Abstract:
Nakaseguro pati kalusugan ng iyong pamilya…
Kasama rin sa iyong PhilHealth coverage ang mga sumusunod:
•
Legal na asawa (hindi miyembro ng PhilHealth)
•
Mga
anak na mababa sa 21 taon gulang, walang asawa at hindi nagtatrabaho.
Kasama ang illegitimate, legitimated, adopted o step children. Mga anak
na 21
taon na o pataas ngunit may kapansanan (pisikal o sa pag-iisip) o congenital illness ay kasama rin.
•
Mga
magulang 60 taon gulang o pataas na hindi miyembro ng PhilHealth.
Kasama ang step parents (kung patay na ang tunay na magulang) at
adoptive parents (kung may adoption papers).
Mga benepisyo sa ilalim ng OWP ng PhilHealth
Out-patient Care
•
Libreng
check-up at routine laboratory exams and medicines na hindi lalagpas sa
P500/pamilya kada isang taon sa mga accredited OPD clinics. (sa
Pilipinas lamang)
•
Reimbursement sa day surgeries, kasama
pati chemotherapy, radiotherapy at dialysis sa mga accredited
free-standing dialysis clinics at ospital.
Special Benefit Packages
•
Maternity
Care Package – P4,500 para sa bawat unang dalawang normal deliveries sa
mga accredited lying-in clinics at hospitals
•
TB-DOTS
(Directly Observed Treatment Shortcourse) Package – P4,000 para sa
gamutan ng pulmonary at extra pulmonary tuberculosis sa mga accredited
TB-DOTS Centers. (sa Pilipinas lamang)
•
SARS Package na aabot sa P50,000.
•
Avian Influenza / Influenza Pandemic o Bird Flu na aabot sa P50,000
In-patient Care
Ang
mga sumusunod ay ang iyong benepisyo sa bawat single period of
confinement o serye ng confinements sa Pilipinas at abroad sanhi ng
iisang sakit sa loob ng 90 araw.
owp benefits table
Mga dapat tandaan sa pagkamit ng benepisyo
Local confinement
a.
Upang makamit kaagad ang benepisyo ng PhilHealth
bago lumabas ng ospital,isumite sa PhilHealth Section
ng ospital ang mga sumusunod:
•
Original PhilHealth Claim Form 1
•
Valid Medicare Eligibility Certificate (MEC) o Enhanced
Member Data Record (MDR), PhilHealth Premium
Payment Receipt (i.e. E-receipt, PhilHealth Official
Receipt, MI-5)
•
kopya ng dokumentong magpapatunay sa relasyon ng
legal na dependent sa miyembro (kung wala pa ito sa
Enhanced MDR)
b.
Kung binayaran ng buo ang ospital (no PhilHealth deductions),
isumite ang mga sumusunod sa Tanggapan ng PhilHealth sa loob ng 60 araw
pagkalabas ng ospital upang makamit ang karampatang PhilHealth benefits:
•
Original PhilHealth Claim Form 1 na napunan ng
miyembro o ng kamag-anak ng miyembro
•
Original PhilHealth Claim Form 2
•
Original PhilHealth Claim Form 3 (para lamang sa
na confine sa level 1 hospital (primary) o naospital na
hindi lalagpas ng 24 oras.
•
Valid Medicare Eligibility Certificate (MEC) o Enhanced
Member Data Record (MDR), PhilHealth Premium
Payment Receipt (i.e. E-receipt, PhilHealth Official
Receipt, MI-5)
•
Original Official Receipt (OR); o kaya Waiver na galing
sa ospital na nagpapatunay na walang naibawas na
PhilHealth benefits sa kabuuang babayaran.
•
Hospital Operative Record (kung may ginawang surgical
procedure)
Note:
Maaaring pirmahan ng tinalagang kinatawan ng miyembro ang PhilHealth
Claim Form 1(mahihingi sa ospital, PhilHealth Office at maaaring
mada-download sa Forms page kung ang member ay nasa abroad.
Confinement abroad
Isumite ang mga sumusunod sa Tanggapan ng PhilHealth
o sa Consular Office sa abroad sa loob ng 180 araw
pagkaraang lumabas ng ospital upang makamit ang
karampatang benepisyo:
•
Original PhilHealth Claim Form 1
•
Valid Medicare Eligibility Certificate (MEC) o Enhanced
Member Data Record (MDR), PhilHealth Premium
Payment Receipt (i.e. E-receipt, PhilHealth Official
Receipt, MI-5)
•
kopya ng dokumentong magpapatunay sa relasyon ng
legal na dependent sa miyembro (kung wala pa ito sa
Enhanced MDR)
•
Official Receipt ng binayarang bill sa ospital at duktor
•
Statement of account (may kaukulang singil para sa
kwarto, gamot, X-ray at iba pang laboratory examinations,
operating room at bayad sa duktor).
•
Medical Certificate mula sa attending physician kung
saan nakasaad ang final diagnosis, petsa ng
pagkakaospital at mga iba pang serbisyong natanggap.
Link:
http://www.philhealth.gov.ph/owp.htm