feuhighschool82
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

feuhighschool82

A blast from the past...friendships that last: An interactive forum among the proud members of the FEU High School Class of 1982.
 
PortalHomeGallerySearchLatest imagesRegisterLog in

 

 The Battle of the Brainless

Go down 
AuthorMessage
classadmi
Admin
Admin
classadmi


Male Number of posts : 194
Registration date : 2007-07-01

The Battle of the Brainless Empty
PostSubject: The Battle of the Brainless   The Battle of the Brainless Icon_minitimeMon Jul 02, 2007 12:10 pm

Host: What "N" (narra) is the national tree of the Philippines?
Contestant: Niyog?
Host: Mas matigas pa diyan.
Contestant: (in a strong-sounding voice) NIYOG!!!

Host: Saan "B" (Bagumbayan) binaril si Jose Rizal?
Contestant: Sa back ?
Host: O sige, puwede rin na ang simula ay letter "L" (Luneta).
Contestant: Likod?
Host: Hindi pa rin. Para mas madali, "R.P." ang
initials ng modern name nito (Rizal Park).
Contestant: Rear Part? (Susme! Likod pa rin yun!)

Host: Saan"B" (beach) tayo madalas pumunta pag summer
upang maligo?
Contestant: Banyo?
Host: Hindi, pag pumunta ka doon, maaarawan ka.
Contestant: Bubong?
Host: Hindi, marami kang makikita duong mga babaeng naka-bikini.
Contestant: Beerhouse!

Host: Anong "L" (Lifeguard ) ang tawag sa tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod?
Contestant: Lifebuoy?
Host: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ang pangalan ng ito.
Contestant : Safeguard ?
Host: Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot mo.
Contestant : Safe Buoy?
Host: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang kaniyang katawan.
Contestant: Ah, Mr. Clean!

Host: Anong "S" (Salbabida) ang ginagamit na flotation device sa
dagat upang hindi ka malunod?
Contestant: Sirena?
Host: Hindi! Hindi ito babae.
Contestant: Siyokoy?
Host: Hindi ito lalake.
Contestant: Siyoke?

Host: What "S" (Sampaguita) is the national flower of the
Philippines?
Contestant: Sunflower?
Host: Hindi. Binebenta ito sa kalye.
Contestant: Stork?
Host: Hindi. Bulaklak sabi eh.
Contestant: Sitsarong bulaklak?
Host: Hindi pa rin. It ends with a letter " A".
Contestant : Sitsarong bulaklak na may suka?
Host: Oh, para madali, uulitin ko ang clues at dadagdagan ko pa!
Anong pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa " S", nagtatapos sa letrang "A", at kapangalan ng isang sikat na singer?
Contestant: Si...Sharon Cuneta!

Host: Sino ang kauna-unahang Chess Grandmaster ( Eugene Torre) of Asia?
Contestant: Carole KING?
Host: Hindi, mas mababa sa king.
Contestant: Al QUINN?
Host: Hindi, tagalog ang apelyido niya.
Contestant: Armida Siguion-REYNA?
Host: Hindi pa rin. Mas mababa sa reyna.
Contestant: BISHOP Bacani?
Host: Mas mababa sa bishop.
Contestant: Johnny MidNIGHT ?
Host: Mas mababa sa Knight.
Contestant: Jerry PONS?
Host: Oh, ayan na, nabanggit mo na lahat ng piyesa sa Chess. Yung kahuli-hulihang piyesa na lang.
Contestant: Sylvia laTORRE!

Host: Sino ang national hero na naka-picture sa 500 Peso bill? Clue, may initials na N.A. (Ninoy Aquino)
ontestant: Nora Aunor ?
Host: Hindi. Ang pangalan niya ay nage-end sa " Y".
Contestant: Guy Aunor?
Host: Hindi. Dati siyang Senador.
Contestant: Si Former Senator Guy Aunor ?
Host: Hindi. Patay na siya.
Contestant: ANO??!! PATAY NA SI NORA AUNOR???!!!

One more dagdag:
Host: What "K" (kalabaw) is the national animal of the Philippines?
Contestant: Kuto?
Host: Hinde. Clue, it tills the land.
Contestant: Kutong Lupa!(Bweset! )
Back to top Go down
 
The Battle of the Brainless
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
feuhighschool82 :: Sports, Hobbies, Jokes, Games, Trivias and Other Musings :: Email Stuffs, Jokes, Quotable Quotes, Funny Pictures, Etc.-
Jump to: