feuhighschool82
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

feuhighschool82

A blast from the past...friendships that last: An interactive forum among the proud members of the FEU High School Class of 1982.
 
PortalHomeGallerySearchLatest imagesRegisterLog in

 

 Ang Aming Sigaw

Go down 
AuthorMessage
reggie
Elite Contibutor
Elite Contibutor
reggie


Male Number of posts : 639
Age : 57
Registration date : 2007-07-26

Ang Aming Sigaw Empty
PostSubject: Ang Aming Sigaw   Ang Aming Sigaw Icon_minitimeSun Jul 29, 2007 5:58 pm


Ang Aming Sigaw




Angela Solis






Ang Aming Sigaw Kolum_angelaSa
araw na tumapak ang aking mga paa sa campus ng University of Manitoba,
isa sa mga hinanap ko ay ang isang samahan para sa mga Pilipinong
estudyante ng nasabing pamantasan. Subalit laking panghihinayang ko
nang malamang ang samahang hinahanap ko ay hindi na pala matatagpuan.
Sa madaling salita, naglaho na ito.
Dumaan ang ikalawang taon ko sa unibersidad, at sa mga panahong ito
ay naitanong ko sa aking sarili kung bakit nga ba walang club para sa
mga Pilipinong estudyante. Isa itong malaking palaisipan dahil ang
populasyon ng University of Manitoba ay isang halimbawa lamang ng
pagiging multicultural ng bansang Canada, at maraming Pilipinong
naninirahan sa lungsod kung saan kami nagsimulang tumira ilang taon na
rin ang nakakaraan. May mga grupo para sa mga Chinese, sa mga Indian,
sa mga Japanese, Taiwanese at Korean, pero bakit walang grupo para sa
mga Pilipino? O hindi kaya, bakit wala na ang naunang grupong naitatag?
Hindi ko man nahanap ang kasagutan sa mga tanong na ito, nagkaroon
naman ng katuparan ang aking hinihiling nang ako ay sumapit na sa
ikatlo kong taon. Sa mga panahong ito, nakahanap ako ng mga kapwa
Pilipinong mag-aaral, at tulad ng aking saloobin, naghahanap din sila
ng grupong magbibigay tinig sa mga Pilipinong nananalagi at nag-aaral
sa nasabing paaralan. Hindi lumaon ay nabuo namin ang panibagong
grupo–ang UM-Sigaw.
Minabuti naming tawaging “Sigaw” ang aming grupo dahil alam naming
kailangang bigyang tinig ng “Sigaw” ang mga mag-aaral na Pilipino sa
University of Manitoba. Layunin din naming pagbigkisin ang mga
Pilipino, imigrante man o lumaki na sa Canada, dahil naniniwala kaming
hindi dahilan ang pagkamulat sa banyagang kultura o ang permanenteng
pagtira sa ibang bansa para itakwil o ipagwalang-bahala ang isang
bahagi ng aming pagkatao: ang aming pagiging Pilipino.
Hindi naging madali ang pagtahak tungo sa pagkakaroon ng isang
organisasyon sa loob ng unibersidad. Hindi ito dahil sa matagal ang
aming hihintayin o masyadong mahigpit ang mga alituntunin sa pagbubuo
ng isang grupo. Nakakalungkot mang sabihin, ngunit sa aking palagay,
mahirap ang maghanap ng mga kabataang Pilipinong handang maglaan ng
oras para makilala ang ilang kababayan. Ang ilan naman ay mahirap lang
hagilapin at gawing miyembro dahil sa pagiging abala sa eskuwela, at
ang mas nakakalungkot pa, may ibang hayagan nang itinakwil ang pagiging
Pilipino (kahit na iilang taon pa lamang dito) o hindi lang talaga
interesadong sumali.
Sa kabila ng mga problemang ito ay matagumpay rin naming nabuo ang
grupo at nakakuha ng miyembro noong Enero ng taong ito. Nagsimula na
rin kaming gawin ang mga proyekto ng grupo para sa susunod na school
year upang maipagpatuloy ang pagiging aktibo ng organisasyon. Aaminin
ko, hindi pa rin nawawala ang mga problemang nabanggit ko, at hindi
maiwasang makaramdam ako ng kalungkutan at panghihinayang sa sitwasyong
ito.
Karamihan sa mga migranteng nagpupunta dito sa Canada ay may mga
dalang anak na teenagers o young adults. Kung ang mga kabataang ito ay
mawawalan ng interes na panatilihin ang wika, kultura at tradisyong
kanilang kinalakihan, paano nila ito ibabahagi sa ibang tao, lalo na sa
mga kapwa nila kabataang sa ibang kultura at tradisyon na lumaki? Paano
na lamang makakatanggap ng peer support ang mga Pilipinong nasa
unibersidad kung ang mga Pilipino mismong nag-aaral sa napakalaking
pamantasang ito ay hiwa-hiwalay at hindi magbubuklod-buklod?
Sa kabila ng mga nakakadismayang sitwasyon tulad nito, aking iniisip
na hindi dapat maging hadlang o maging sanhi ng panghihina ng loob ang
mga bagay na ito. Hanggang may nakikilala akong mga kabataang tulad
kong handang tumulong upang panatilihin ang grupo sa loob ng
unibersidad at maglingkod sa pamayanan ng mga Pilipino rito sa lungsod
ng Winnipeg, dapat lamang na magpatuloy sa pagbuo ng proyekto ang
organisasyon. Sa ganitong pagkakataon, mananatili ang UM-Sigaw sa
pagbibigay boses sa mga Pilipinong mag-aaral sa aming pamantasan.
Ang Aming Sigaw Blog053
Maaaring bisitahin ang website ng UM-Sigaw sa http://umsigaw.derpinsel.com.
Nais ding humingi ng paumanhin ng may-akda sa matagal na hindi
pagsusulat sa Tinig. Muli na po siyang nagbabalik at nagbabakasakaling
hindi na ulit makain nang buhay ng maraming obligasyon sa pamilya,
eskuwela at trabaho.
Back to top Go down
 
Ang Aming Sigaw
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
feuhighschool82 :: Knowledge is Power :: Politics, Current Events and Filipino Patriotism-
Jump to: