feuhighschool82
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

feuhighschool82

A blast from the past...friendships that last: An interactive forum among the proud members of the FEU High School Class of 1982.
 
PortalHomeGallerySearchLatest imagesRegisterLog in

 

 Paano nga ba ang maghintay?

Go down 
AuthorMessage
reggie
Elite Contibutor
Elite Contibutor
reggie


Male Number of posts : 639
Age : 57
Registration date : 2007-07-26

Paano nga ba ang maghintay? Empty
PostSubject: Paano nga ba ang maghintay?   Paano nga ba ang maghintay? Icon_minitimeTue Jul 31, 2007 12:30 am

Paano nga ba ang maghintay?

Paano nga ba ang maghintay? Halos mawalan na ng pag-asa na maituwid pa
ang buhay. Nakakulong sa apat na sulok na
silid….nagmumokmok..nag-iisip… at kadalasan ay di maiwasan ang mapaluha
na lamang.

Mula noon ay wala nang pinangarap kundi simpleng
pamumuhay. Madalas ay nais umiwas sa isang nakaraan na patuloy na
gumugulo sa puso. Naging napakalungkot ang mga nakaraang taon. Patuloy
ang pagdaan ng mga araw… parang hindi na magkakaroon ng pagkakataon na
muling bumangon at magbagong buhay. Pinilit kalimutin, nagpakasiya sa
kinagisnan ng pag-iisa…sinubukang humalakhak sa walang kasamang pag-asa
kinabukasan..hanggang sa umabot na sa kasukdulan.

Pagluha'y pilit pinipigilan..ngunit kahit anong
lakas, parang kandila na nauupos sa pagsapit ng gabi. Hindi kayang
magkunwari..magkubli sa dilim.

Patuloy pa rin ang pangungulila, kadalasa'y
nanaginip ng gising. Binabalikan ang nakaraan. Hanggang kailan mababago
ang takbo ng buhay? Patuloy ang pagdanas ng kawalan ng pag-asa.
Naghihintay sa paglubog ng araw para sa bukas na may inaasahang saya.

Siguro nga'y nakalimot ka na….nang minsang banggitin
na kailan man ay di magsasawang magmahal. Saksi man ang kalangitan sa
iyong pagsuyo, tuluyan na yatang isinang tabi ang pag-ibig na minsa'y
inialay.

Malaki na sya siguro…di na mahirap ihele sa gabi.
Nakatutuwa pa nga kung siya'y nag-aaral na..Wala namang nakakagulat
doon.. 5 taon na din ang nagdaan.

Sa kanyang paglaki, maisip mo sana ang iyong naiwan.
Maging isang mabuting haligi ng tahanan…patuloy na magsikap sa
hanapbuhay madaos mo lamang ang mga pangangailangan nila.

Kung sa iyo nga'y naging madali ang lahat..ako'y
nananaginip pa rin na may prinsipeng mag-aahon sa pinagiwanan mo sa
akin..muling magpapalakas na aking respeto at dignidad sa sarili.
Isang tao na bubuhay at magmamahal ng tapat sa isang tulad kong
pinagsawaan at ginamit mo lamang.

Ginawa at ipinadala ni: Maricel Mendoza
Back to top Go down
 
Paano nga ba ang maghintay?
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
feuhighschool82 :: Knowledge is Power :: Politics, Current Events and Filipino Patriotism-
Jump to: