ako ay kanyang iniwan....
hindi ako makatayo. wari'y nadaanan ako ng pison. namumuo ang butil ng
luha sa aking mga mata. hindi ko namalayan ang paligid ko. ako na lang ang
natitirang nakaupo sa park. kanina dalawa kami. magkadikit ang aming katawan.
parang kailan lang. ahhh kay bilis lumipas ng panahon. ngayon ko lang
nalaman ang matagal nang alam ng lahat...masakit ang iwan ka ng isang minamahal!
naaalala ko pa noong ako ay mahal na mahal pa niya...limang beses sa isang
araw kung siya ay tumawag. kadalasan naman walang katuturan ang aming
pag-uusap. ngunit punumpuno iyon ng pagmamahal at kaligayahan. ako ay
kilig na kilig. lagi akong nakangiti. binabati ko ang kahit na sino. lagi
akong masaya. at sa aking pag-iisa iniisip ko ang lahat ng kanyang sinabi
sa akin. inuulit ulit ko sa aking isipan ang " i love you" na lagi niyang
sinasabi bago niya ibaba ang telepono.
dahil sa kulang na kulang kami sa panahon. sabi sa akin ni beep magpakabit
na ako ng internet para kahit kami ay parehong nasa trabaho makakapag-usap
kami ng walang sagabal. ilang buwan ko ring kinulit ang aking nanay na
makakabuti ang may internet para sa pag-aaral ng aking mga nakababatang
kapatid. ngunit sila ay pawang nasa elementarya lamang. at ang principal
lamang ang merong computer sapagkat mahirap lamang ang paaralan. datapwat
kulit pa rin ako ng kulit kay inay. lagi kong tinatanong kung magkano na
ang kanyang ipon. tuwing suweldo ako ay nagbibigay din kay inay ng isang
libo para ako ay makatulong sa mga pangangailangan sa bahay. binubulong ko
kay inay na kalahati nun ay mapunta sa pag iimpok ko para sa pagbili ng
computer. siguro nabanas na si inay sa pangungulit ko, siya ay nakinig sa
aking mungkahing bumili. noong ako'y umuwi isang araw, malayo pa ako sa
bahay ay naririnig ko na ang ingay ng mga kapatid ko. " ate, ate, may
computer na tayo!"
feeling ko ay nanalo ako sa lotto! agad akong nagpakabit ng internet. mula
noon ako at si beep ay laging nag-uusap sa isang chatroom sa tok siti.
halos gabi gabi ang aming tagpuan. kung minsan inaabot kami ng madaling
araw sa pag-uusap. kung anu-ano na lang ang aming kwento sa isa't isa. at
parati ring may (((((((muah)))))at (((((hugs))))) siya para sa akin.
mahal na mahal ko si beep. ramdam ko mahal na mahal din niya ako. ngunit
isang araw, pansin ko si beep ay hindi na madalas magchat. siya ay hindi na
rin madalas tumawag sa telepono. hindi ko masyadong binigyan ng pansin ang
kanyang pagbabago. tinanong ko siyang minsan.."beep, mahal...bakit ba
bihira na tayong magkita? bakit hindi ka na palakwento at masayahin sa mga
pag-uusap natin?" sabi naman niya sa akin " conching, busy ako sa
trabaho...pagod na pagod ako tuwing ako ay dumarating ng bahay...maraming
suliranin sa trabaho.." dahil sa mahal ko siya, hindi ko inisip na baka
wala na siyang pagtingin sa akin. patuloy pa rin akong nagmahal sa kanya.
hindi ako ni minsan nagkimkim ng hinanakit sa kanya. umasa ako na babalik
din ang dati. magiging masigla uli ang aming pagsasama. ngunit lumipas ang
maraming araw...hindi ko na narinig ang ring ng telepono...nabagoong ako sa
kahihintay sa chatroom para kay beep ko. hindi siya dumating. balde balde
ang aking iniluha. miss na miss ko siyang talaga!
datirati pagkagising ko pa lang agad akong magcheck ng email. sabik na
sabik ako kung anong bagong padalang email ni beep. sa pagkakataon na ito
nakasaad na 0 new email. para akong lantang gulay. nawalan ako ng lakas.
nagdial ako ng telepono nila sa bahay. sabi ng nakasagot na katulong " sabi
ni kuya wala daw siya".
tawag ako sunod sa cell phone niya switched off naman. dati nagring pa ito.
naisip ko na nakilala ang tel no sa bahay ni beep nung nakita niya ang
caller id at agad niyang ni switch off iyon. may paraan pa. hindi ko
naisip na padaig na lamang. tawag ako sa pager. naka ilang ulit na ako
wala man lang tawag galing kay beep. ang sabi ko pa " beep, pls call. miss
na miss na kita. iyak ako ng iyak hanggang sa abutan na ako ng umaga.
hindi ako makatulog. hindi rin makakain. napapansin na ako sa trabaho na
laging malayo ang isip."
nag email din ako ng mahabang liham. sabi ko sa liham ko. "mahal kong
beep, kumusta ka na? ako ay lungkot na lungkot sapagkat hindi na kita
nakikita. may sakit ka ba? marahil ikaw ay may problema. beep, kahit na
anuman ang problema mo, kaya kitang tulungan. sabihin mo lang sa akin kung
anuman iyon. hinding hindi kita pababayaan dahil mahal na mahal kita.
puwede ka bang tumawag sa akin? kahit man lang sandali. sana mag email ka
man lang kahit na maikli. huwag mong tulutan na ako ay manatili sa
pag-iisip na ito. feeling ko maloloka na ako sa kaiisip. please naman
beep. please!!! maawa ka sa akin. huwag mo akong iiwan."
makalipas ang tatlong araw, si beep ay tumawag sa telepono. sabi niya sa
akin " conching kita tayo sa park bukas ng hapon. may importante akong
sasabihin sa iyo".
dumating ang hapon na iyon at ako ay nandito na sa park. nakaupo. kanina
lang ako at si beep ay nagkita. magkatabi kaming naupo sa bench na ito. ako
ang nauna. nung nakita ko si beep na lumalakad palapit sa akin, damang
dama ko ang pagmamahal ko para sa kanya. gusto ko siyang yakapin nang
mahigpit. "beep! ang saya ko at kapiling kita". sabay yakap ako at kiss
ko siya sa pisngi. ang bango bango ng beep ko. amoy coolwater siya. ang
buhok niya amoy naman pantene. ang guwapo guwapo ni beep talaga. ang bango
bango. wala nang hihigit pa sa kanya. siya ang lahat lahat sa buhay ko.
"conching...makinig kang mabuti sa akin. mahal kita ngunit hindi sapat ang
pagmamahal na iyon para ako ay lumigaya. hindi ako masaya sa iyo conching.
may minamahal na akong iba. salamat sa pagmamahal mo. salamat sa maraming
bagay. patawarin mo ang mga pagkukulang ko sa iyo.."
hindi ako makakibo. sa sandaling iyon ipinagkakaila ko ang katotohanan.
batid ko man kung anong totoo ay hindi ko kinikilala. iniisip ko ang
nakalipas. ahhh mabubuhay ako kahit na ang pag ibig na iyon ay lipas na.
hindi ko maatim na talikuran na lamang ang pag iibigan namin ni beep. kung
kinakailangan ako ay mabuhay sa nakalipas siyang gagawin ko." hindi ko
sukat akalain......
tandang tanda ko pa iyong unang halik ni beep sa akin. first date namin
iyon. bagama't sabi ng mga matatanda huwag pahahalik sa first date ako ay
hindi nakinig. bago ako nagpunta sa tagpuan namin tatlong beses akong
nagsipilyo. nag floss pa nga ako. dumaan pa ako sa supermarket para bumili
ng mints. handang handa ako sa unang pagkikita namin ni beep. inaasahan
kong kami ay maghahalikan.
ang sarap ni beep magmahal. siya ay malambing na malambing. pinadama niya
sa akin na ako ang pinakaimportanteng tao sa mundo. na ako ang
pinakamamahal niya sa lahat. ang lambot lambot ng kanyang mga kamay. lagi
niyang pinipisil pisil ang aking kamay. ang lips niya ay pulampula. siya
ay napakagandang lalaki. kahit na sinong babae ay madadapa sa kanya.
basang basa ang aking pisngi. patuloy ang daloy ng luha. pumapatak na
parang ulan. hindi matigil tigil. malamig na ang simoy ng hangin. ako ay
nag-iisa. iniwan na ako ni beep. iniwan niya na ako!!!
Ginawa at ipinadala ni: Conchitina