feuhighschool82
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

feuhighschool82

A blast from the past...friendships that last: An interactive forum among the proud members of the FEU High School Class of 1982.
 
PortalHomeGallerySearchLatest imagesRegisterLog in

 

 APLIKANTE

Go down 
AuthorMessage
reggie
Elite Contibutor
Elite Contibutor
reggie


Male Number of posts : 639
Age : 57
Registration date : 2007-07-26

APLIKANTE Empty
PostSubject: APLIKANTE   APLIKANTE Icon_minitimeTue Jul 31, 2007 12:41 am

APLIKANTE
kuwento ni Daffodil Castro Dedel


Mahangin sa labas. Malamig sa loob ng opisina. Pero pinagpapawisan pa
rin si Dave.
Ganito pala kapag haharap sa interview, bulong niya sa sarili. Pakiramdam
ko, babarilin ako sa Luneta. Sana matangap ako . . .
Habang naghihintay, isa-isang sinuri ni Dave ang mga empleyado at kliyente
ng kompanyang nais niyang pasukan. Lalo siyang nanliit.
Lahat sila, bihis na bihis. Sabi na nga ba, hindi akma ang suot kong maong
at polo. Pero ito na ang pinakamaayos kong damit. At isa pa, dyanitor lang
naman ang papasukan kong trabaho . . .
Natigil ang pagmumuni-muni ni Dave nang may maupo sa tabi niya. Isang
lalaking mga sisenta anyos. Payat at katamtaman ang taas. Kulay abo ang
manipis nang buhok. Plantsadong-plantsado ang damit, ngunit halatang naluma
na sa kalalaba.
Naku, sana hindi ito isa pang aplikante. Kailangan ko ng pagkakaitaan,
pero mukhang mas nagangailangan ang taong ito . . .
Muling sinulyapan ni Dave ang katabi. Napahiya siya nang mahuli siya nitong
nakatingin. Pero nginitian siya ng lalaki.
"Aplikante ka ba?" tanong nito.
Napatingin si Dave sa dyaryong hawak ng matanda. Nakabukas ito sa pahina ng
Classified Ads. Iyon din ang dyaryong binasa niya kaninang umaga, kung saan
nakalathala ang pangangailangan ng kumpanya para sa isang dyanitor.
"Oho," sagot niya.
"Mukhang napakabata mo pa . . . hindi ka ba nag-aaral?"
"Dise-otso na ho ako. Panggabi ho ang klase ko sa kolehiyo."
"Ano naman ang kurso mo?"
"Political Science ho."
"Ah." Tumango ang matanda." Siguro, magtutuloy ka ng abogasya"
Napangiti si Dave; bakas ang pananbik sa mukha.

"Sana nga ho . . . kung kakayanin kong suportahan ang sarili ko. Hindi ho
kasi kaya ng aking mga magulang."
"Makakaya mo, kung mayroon kang tiyaga at determinasyon," sagot ng matanda."
Aba, katulad mo rin ako noong araw! Ang pagkakaiba lang, ako'y ulilang
lubos. Naku, kung malalaman mo ang mga trabahong pinasok ko, makapag-aral
lang . . . "
At nagkuwento na ito
Aliw na aliw si Dave sa mga karanasan ng kausap. Sa pakikinig sa mga
pinagdaanan ng matanda, lalong lumakas ang kanyang loob na magsikap
makatapos sa pag-aaral. Nahinto lamang ang kanilang paghuhuntahan nang
tawagin si Dave.
Bumalik ang kaba sa dibdib ni Dave. Heto na ang interview na kintatakutan
niya! Matapos magpaalam sa matanda, pumasok na siya sa opisina ng manedyer.
"Magandang hapon po."
"Magandang hapon din sa iyo," nakangiting tugon ng manedyer. Bata pa ito,
mga beinte-singko anyos. Makisig, maganda ang tindig. Naka-amerikana.
"Maupo ka. ano ang pangalan mo?"
"David de la Peña po. Taga-Marikina po ako. Heto po ang ¾"
Kumiriring ang telepono. Sinagot ito ng manedyer.
"Hello . . . Ah, yes. I . . . I see. Well, if that's the case . . .
Alright."
Ibinaba ng manedyer ang telepono. Nangingiting bumaling kay dave.
"Tanggap ka na, Mr. De la Peña."
"P-po?" Hindi makapaniwala si dave. "Hindi nyo na po ako iinterbyuhin?"
"Hindi na kailangan. Pasado ka na sa interview." Natawa ang manedyer sa
di-maitagong kalituhan ni Dave. "Inirekomenda ka nung kausap mo kanina sa
lobby," paliwanag nito. "Siya ang aking ama. Siya rin ang presidente at may-ari ng kompanya."
Back to top Go down
 
APLIKANTE
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
feuhighschool82 :: Knowledge is Power :: Politics, Current Events and Filipino Patriotism-
Jump to: