feuhighschool82
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

feuhighschool82

A blast from the past...friendships that last: An interactive forum among the proud members of the FEU High School Class of 1982.
 
PortalHomeGallerySearchLatest imagesRegisterLog in

 

 Ano ang kahulugan ng "bayani"?

Go down 
AuthorMessage
reggie
Elite Contibutor
Elite Contibutor
reggie


Male Number of posts : 639
Age : 57
Registration date : 2007-07-26

Ano ang kahulugan ng "bayani"? Empty
PostSubject: Ano ang kahulugan ng "bayani"?   Ano ang kahulugan ng "bayani"? Icon_minitimeTue Jul 31, 2007 12:44 am

Ano ang kahulugan ng "bayani"?
ni Julio Gomez de la Cruz, Jr. at Marlon C. Magtira




Ang salitang bayani ay may sariling kasaysayan.
Sa kasalukuyan, itinuturing na bagong bayani ang mga
Overseaes Filipino Workers (OFW) dahil sa kanilang kasipagan, katatagan
ng loob at mga tulong pinansyal sa pamahalaan (gaya ng remittances).
Sa pagsulong ng panahon, uminog din ang konsepto ng pagiging isang bayani.
Dati, pinagbabatayan ang pagkamatay o kailangan munang mamatay bago matawag na isang bayani.
Kung babalikan natin ang pinagmulan ng salitang bayani, makikita natin ang ating pagkaPilipino na kabilang sa isang
bansang may mayabong na kultura.
Sa mahabang panahon bago dumating sa Pilipinas ang
kolonisasyon ng mga Kanluranin, ang mga mandirigma ang kinikilala at
pinagpipitagang katangi-tanging pangkat ng mga tao sa mga barangay. Ang
responsibilidad ng mga mandirigmang ito ay manguna sa pagtatanggol ng
pamayanan laban sa kinakaharap na kaaway o panganib. Sa iba't ibang
lugar, iba-iba ang
katawagan sa kanila. Subalit mahihinuha ang pagkakatulad ng mga salita:
bagani, magani, bahani, bayani at iba pa.
Hindi basta-basta ang pagsubok na kailangang daanan ng isang tao bago siya ituring na kasapi sa pangkat ng mga
mandirigma. Ang pagsubok ay karaniwang madugo sapagkat kailangan muna na makapatay sa isang aktuwal na labanan.
May takdang bilang na kailangang mapatay mula sa kaaway na tribo bago magpapasyang magpulong ang ibang bagani kung
igagawad ang naturang titulo.

May iba't-ibang antas ang pagkabagani o pagkamandirigma - batay sa bilang ng napatay at kung makapapasa sa isang
di-karaniwang ritwal.

Makikita ang mga antas na ito sa kulay ng suot ng mandirigma.

Ang maniklad ang may pinakamababang uri. Kailangan siyang makapatay ng isa hanggang dalawang tao, bago makasuot ng
putong na pula at dilaw.

Limang kaaway naman ang kailangang mapatay bago matanghal na hanagan. Subalit bago pa man makamit ang titulong ito,
kailangan munang makapasa na maging tagbusawan, ibig sabihin, "sasaniban" ng kaluluwa ni Tagbusaw, ang diyos ng
pakikidigma. Itinatakda ng mga matatanda sa tribo kung ang isang maniklad ay itatanghal na tagbusawan pagkatapos ng mga
ritwal. Pagkatapos nito ay saka lamang siya makapagsususot ng pulang putong.

Ang pagsuot ng pulang jaket ay karangalang laan sa kinaboan dahil sa pagpatay ng pito hanggang dalawampu't pitong
kaaway.

Samantala, ang pulang pantalon ay palatandaan ng luto na may 50-100 ng buhay nang kinitil.

Ang mga lunugum naman ay siyang nakasibat at nakapatay sa loob mismo ng pamamahay ng kaaway. Itim ang kulay na
maaari niyang isuot.

Ang lahat ng bagani ay pinaniwalaang may anting-anting na iniingatan. Ang bisa nito ay ibayong nadadagdagan sa bawat
buhay ng kanyang kaaway na makikitil.

Sa maraming pamayanan sa Mindanaw, ang bagani ay hindi lamang mandirigma kundi siyang itinuturing na pinuno ng tribo.
Kailangan niyang mag-angkin ng mga katangian bilang pinuno ng relihiyon at panggagamot. Siya ang itinuturing na paring
namamagitan sa mga diyos at mga tao sa lupa. Dapat siyang tumulong sa nangangailangan nang walang hinihintay na kapalit.

Ang salitang bagani sa Maranaw ay tumutukoy sa magkakaugnay na tema ng "walang takot," "katapangan," "kasiglahan," at
"kahalagahan."

Ang magkatulad na konsepto ay ipinahahayag din sa Magindanaw: barani - katapangan, at heroism sa Ingles at Sulu: balani -
katatagan ng loob at pagiging karapat-dapat (worthy).

Ang salitang bayani sa Tagalog ay matatagpuan sa tatlong sinaunang diksyunaryong Tagalog. Sa Vocabulario de Lengua
Tagala ni San Buenaventura na lumabas noong 1613:
Valiente, bayani (pp) y de fuercas, ang pagcabayani ni santos, la valentia de Santos, bayani cang tavo, eres hombre valiente,
walang cabayaning tavo, es hombre muy valiente.

Ang diksyunaryo naman nina Juan de Noceda at Pedro San Lucar na lumabas noong 1754 ay nagbigay ng isa pang
kahulugan bukod sa "matapang." Ang ikalawang kahulugan ay tumutukoy sa "sama-samang gawa" o "gawaing panlahat"
(obra komon). Ito ay dahil sa salitang "bayanihan" na ginagamit sa Katagalugan na tumutukoy sa "sama-samang
pakikipagtulungan."

Gayundin, sa Dicccionario Tagalog Hispano ni Pedro Serrano Laktaw na lumabas noong 1914, ay tumutukoy sa akda ni San
Buenaventura, ang pagsama ng 'mandirigma' (guerrero), bihasa sa digmaan' (guerrido) at 'mapandigma' (belicoso).
Ano ang kahulugan ng "bayani"? Bayanic

Ang kasalukyang kahulugan at gamit sa salitang bayani ay makikita sa Diksyunaryo Teasuro Pilipino ni Jose V. Panganiban
na lumabas noong 1972.

Unang kahulugan nito ay katumbas ng 'hero' sa Ingles. Ito ay katumbas ng bayanii sa mga wikang Bikol, Kapampangan,
Sebwano, Samar-Leyte at Tagalog. Samantalang ito naman ay baganihan sa Hiligaynon, banuar sa Ilokano at palbayani sa
Panggasinan.

Ang ikalawang kahulugan nito ay 'cooperative endeavor, mutual aid.' Ito ay 'tulungan', 'usungan', at 'damayan' sa Filipino.

Ang ikatlong kahulugan nito ay tumutukoy sa isang taong aniya'y '…who offers free service in a cooperative
endeavour'. Ibig sabihin, sa mga taong gumagawa sa isang kolektibong gawain na hindi binabayaran.

At ang ikaapat na kahulugan ay 'namamayani', isang pandiwa na nangangahulugang 'to prevail, predominante,be triumphant
or be victorious', ibig sabihin, 'maging matagumpay'.

Sa Kordilyera, ang salitang unbalanak sa Igorot at balanni sa Apayao ay nangangahulugang 'kagila-gilalas' o marvel sa
wikang Ingles. Ang salita namang 'magnet' o 'loadstone' sa wikang Ingles ay may mga anyong batobalani sa Tagalog,
Sebwano, Bikol, Sambal, Ilokano, Pangasinan, Akalnon at Hiligaynon; batumblani sa Bontok; batubarani sa Maranaw; at
balan sa Sulu. May paniniwala na ang 'magnet' ay ang 'bato' ng uring mandirigma, ang kanyang anting-anting.

Ano ang kahulugan ng salitang 'bayani'? Ang ang mga Pilipino ay may tunay na konsepto ng isang pagiging bayani. Ang
mga bayani ay siyang may malasakit sa kanyang mga kasama. Nagtataguyod ng mga bagay ukol sa kanyang pinagmulan.
Hindi lamang ito tumutukoy sa katapangan kundi sa talino, katapatan at kakayahang nasubukan at napanday sa aktwal na
labanan.
Back to top Go down
 
Ano ang kahulugan ng "bayani"?
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Robert "Bong" Fabella: The Debonair Mr. Mayor
» Ma. Theresa "Tess" Feleciano: The Caring Mother
» Leonila "Leony" Seat: The Star of All Seasons
» Over 100 "for dummies" EBooks!!!
» Take Him Into a "Yes"

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
feuhighschool82 :: Knowledge is Power :: Politics, Current Events and Filipino Patriotism-
Jump to: