EYE H8 U2
by: Bianca Tannia Cher Piper
T'wina na lang makikita ka
Bad Trip kasi kasama mo sya
Ano bang pinakain nya sayo
At parang magkakabit na yata ang mga bituka nyo
Mawala ka lang sa paningin nya
Akala mo di na kayo magpapangita
Kung umarte pa akala niya KAYO -
Ang alam ko hindi, pero kung totoo ---syet, pangit ng taste
mo!
Mega holding hands pa kayo
Sige pa at DP (Disciplinary Probation) ang abot nyo!
Grabe pa kapag di-spark-spark mga mata nya,
Feeling ko sineseduce ka!
Di na ako makatsempong di mo sya kabuntot,
Or yun man lang things nya di mo suot!
Grabe ka talaga to think na may iba ka,
Number 2 ba sya - ngek, pag ako pala pangatlo na!
Pero di ko naman wish na maging tayo,
Kasi alam ko heart mo taken na po!
Kahit ano pang sabihin nilang "kung kami'y kami"
I don't think mage-get over mo si Little Miss Unpretty!
Akala ko non I matter to you,
'Pag tumitingin ka sakin - Hay naku!
Twinkling eyes daw - ang sarap paniwalaan
Ilang days after, iba na ba naman ang tinitingnan!
Hiniling ko minsang makita kang nag-iisa
Ano ba ya't sa likod mo si Unpretty bumulaga!
Kapal pa ng mukha't pa-tweetums pa,
Gusto kong sampalin dahil nilalanggam na!
Ewan ko kung bakit ganyan ka,
Siguro may pinakain sya sayong gayuma!
Pero kung ano man yon, please, isuka mo na,
I cook a lot better than her, Papa!
Pero kahit ano yatang galit ang i-release ko,
Di ko pa rin magawang magalit sayo.
Sa kanya - oo, understandable yon..
Pero unfair yata kung di kita sasama don!
At kaysa naman magkasala ako,
Mas mabuti pa sigurong limutin kayo..
Di ka naman worth sa mga feelings ko,
Hanap na lang ako ng hunk na labs ko - at labs din ako!!!
Ipinadala ni: Cherie Del Rio