feuhighschool82
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

feuhighschool82

A blast from the past...friendships that last: An interactive forum among the proud members of the FEU High School Class of 1982.
 
PortalHomeGallerySearchLatest imagesRegisterLog in

 

 PAG-IBIG

Go down 
AuthorMessage
reggie
Elite Contibutor
Elite Contibutor
reggie


Male Number of posts : 639
Age : 57
Registration date : 2007-07-26

PAG-IBIG Empty
PostSubject: PAG-IBIG   PAG-IBIG Icon_minitimeTue Jul 31, 2007 12:53 am

PAG-IBIG


..........isang damdamin na mahirap dalirutin ng ating
kaisipan isa itong nakatagong anyo ng ating puso
na bigla na lang lilitaw na kusa sa ating sarili
upang bigyan tayo ng kaisipang hanapin ang
tunay nating damdamin at pagkatao...

Pag-ibig nga naman...

ano nga ba talaga ito?

Sabi sa bibliya, pag-ibig ay pangkapayapaan...

tsk! tsk! tsk!...

E, kahapon lang may nabasa ako sa diyaryo,

Sabi, "Ng dahil sa pag-ibig... pumatay!!!" Tsk! tsk! tsk!...

Oy! minsan, sabi sa diyaryo: "Ng dahil sa pag-ibig ...pinatay!!!"

Ano ba yan?...O..eto pa ang isa...

"Pag-ibig ang dahilan kaya nagpakamatay!!!"

Pag-ibig...pangkapayapaan...

... dahil maraming papatay, namamatay, at
nagpapakamatay

E, pag patay nga naman ang isang tao,

payapa na di ba?

Pero, eto nga ba ang tunay na pag-ibig?

Sabi sa bibliya, "ang tunay na pag-ibig ay

hindi mapag-imbot at di nagseselos.."

Yong kapitbahay namin...binugbog ng asawang
lalaki,
dahil pakiramdam ng
lalaki,
di na siya mahal ng babae
dahil hindi
raw marunong magselos...

Paano ba yan? Umibig ka na nga...

sumunod sa sinasabi ng biblia, e bugbog ka naman..

Gusto mo ba ito? Hindi di ba?

Namputsa...kahit sino'ng tao ayaw mabugbog...masakit yan..

Subukan mong pukpukin ng bato ang ulo mo...

o kaya sampalin mo ng ubod lakas ang mukha mo..

o di ba masaket?...Yon pa kayang ibang tao ang gagawa neto sa yo...

Pag-ibig...corny 'no?

Sabi sa diyaryo..."ginahasa sa tindi ng pagmamahal!!!"

Minsan..."Gumahasa sa tindi ng pag-ibig"

Pero, ewan ko, wala pa akong nabasa na

"Nagpagahasa dahil sa pag-ibig.."

Pero, bakit tayo masaya rito?

Alam na natin ang kahihinatnan nito, pero.. sige pa rin tayo...

alam ng mabubuntis o makakabuntis. .. sige pa
rin...
masarap kasi..eheste ...masaya kasi ang feelings...

pero ang tanong handa ka ba?

Ooops!...uuuy! nag-iisip siya....

tama ba ang nasabi ko?...dapat sa pag-ibig..

maging handa ka...

Paano ba ito? ano ba ang ihahanda ko?

magastos yata ito? Pagkain ba?...

Tsk!...'lam mo, manhid ka...

tumingin ka sa paligid mo...ang mga taong
in-love daw kuno..

o? ano sa palagay mo ang itsura nila..

para silang baliw di ba?

Kahihiwalay lang .... tatawag agad sa telepono...

then magsasabi ng kung ano-anong kabulastugan...

yun bang tinatawag na "sweet nothings"...

Kung maglakad, akala mo mga talangka...kapitan ng kapitan..

Sa sine... parang mga ibon...tukaan ng tukaan...

himasan ng himasan...kamut dito ...kamot doon...

Yakap dito...yakap doon...

Sa motel?

ewan ko...di pa ako nakakapasok doon...

oo nga! ... peks man...

O! ngayon ...ano ang dapat mong ihanda?

Di mo pa rin alam?

Ay!. ..Put...

tang na loob.....

Ihanda mo ang sarili mo, bulsa mo,

...tanungin mo kung may kakayahan kang gumastos, magpakain,

magpasensiya, maging matulungin, maunawain,

mapaglambing, mapag-alala, mapagtiwala, ng walang takot

at bahid dungis ng malisya, pang-iimbot,

pagnanasa, pagkamasarili, at pagkasakim...

O ...kaya mo?...

kundi mo kaya...

doon ka na lang sa kubeta...

magbatibot......

Hwag kang pikon...prangka lang ako...

...prangkabayo kung tumakbo sa takot sa iyo....
Back to top Go down
 
PAG-IBIG
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Bilangong Pag-ibig

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
feuhighschool82 :: Knowledge is Power :: Politics, Current Events and Filipino Patriotism-
Jump to: