feuhighschool82
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

feuhighschool82

A blast from the past...friendships that last: An interactive forum among the proud members of the FEU High School Class of 1982.
 
PortalHomeGallerySearchRegisterLog in

 

 Edukada

Go down 
AuthorMessage
reggie
Elite Contibutor
Elite Contibutor
reggie


Male Number of posts : 639
Age : 54
Registration date : 2007-07-26

Edukada Empty
PostSubject: Edukada   Edukada Icon_minitimeTue Jul 31, 2007 12:55 am

Edukada

Edukada

ang tawag kay Melissa

Tinitingala

saan man magpunta

Pinagtapusan,

kilalang pamantasan

Kaya naman

lubos na iginagalang.

Ngunit minsan,

akin siyang nakita

Natalisod

sa gamit ng iba

Ako'y nagulat -

bigla siyang nagmura!

Kahit may-ari'y

humingi ng dispensa.

Buti pa pala

si Aling Milagros

Elementarya

lamang ang natapos

Magulang kasi

sa pera ay kapos

Ngunit ugali

sa bait ay puspos:

Tumutulong

sa nangangailangan

Mapagpasensiya

sa may pagkukulang

Laging magalang

sa pagsasalita

Puso'y marunong

maawa't umunawa.

Isang mataas

ang pinagtapusan

Isang mababa

ang pinag-aralan

Ngunit sino

kaya sa kanila

Dapat ituring

tunay na edukada?


Ginawa at ipinadala ni: Daffodil Castro Dedel
Back to top Go down
 
Edukada
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
feuhighschool82 :: Knowledge is Power :: Politics, Current Events and Filipino Patriotism-
Jump to: