feuhighschool82
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

feuhighschool82

A blast from the past...friendships that last: An interactive forum among the proud members of the FEU High School Class of 1982.
 
PortalHomeGallerySearchRegisterLog in

 

 Hindi Laging Tapat Ang Naiiwanang Umiibig

Go down 
AuthorMessage
reggie
Elite Contibutor
Elite Contibutor
reggie


Male Number of posts : 639
Age : 54
Registration date : 2007-07-26

Hindi Laging Tapat Ang Naiiwanang Umiibig Empty
PostSubject: Hindi Laging Tapat Ang Naiiwanang Umiibig   Hindi Laging Tapat Ang Naiiwanang Umiibig Icon_minitimeTue Jul 31, 2007 12:56 am

Hindi Laging Tapat Ang Naiiwanang Umiibig



lito na ang monitor ng computer mo

sa katitipa sa nagrereklamong keyboard

kung bakit naman kasi

nakita mo pa ang pagal na kislap

ng aking mata habang abala ako

sa paghahanap ng rason at pilit

kong iniiba ang sistema

sa program na tatlong taon na

ikaw na bagong programming codes

sa visual basic nating itinuro kanina ni sir

pero tuloy ang pag-aanalisa ko

a litanya ng ngayon mo

at ang di tiyak kong pagtatangka'y

sinadya mo namang lapitan ako

dahil kailangang maiba naman marahil

ang almusal mong diskette at cd

sadyang gusto mong lapitan ako

at dugtungan ang mga paliwanag ni sir

at ngumiti ang litong monitor ng computer mo

nang makipagtipa ako sa nagrereklamong keyboard

kaya nga natin nabugkos ang mga programming
codes

kaya nga natin nabago ang lumang program


Ginawa at ipinadala ni: Gomer V. Aragon
Back to top Go down
 
Hindi Laging Tapat Ang Naiiwanang Umiibig
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
feuhighschool82 :: Knowledge is Power :: Politics, Current Events and Filipino Patriotism-
Jump to: