feuhighschool82
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

feuhighschool82

A blast from the past...friendships that last: An interactive forum among the proud members of the FEU High School Class of 1982.
 
PortalHomeGallerySearchRegisterLog in

 

 Ano ba ang Pinoy Action Movie?

Go down 
AuthorMessage
reggie
Elite Contibutor
Elite Contibutor
reggie


Male Number of posts : 639
Age : 54
Registration date : 2007-07-26

Ano ba ang Pinoy Action Movie? Empty
PostSubject: Ano ba ang Pinoy Action Movie?   Ano ba ang Pinoy Action Movie? Icon_minitimeTue Jul 31, 2007 12:29 am

Ano ba ang Pinoy Action Movie?


Laging umiikot ang istorya sa paghihiganti:
Ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamag-anak nya (nanay,
tatay, ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, anak, pinsan, tiyo,
tiya, lolo, lola, ninong, ninang, apo, apo sa tuhod, apo sa
talampakan, ninuno)

Isa sa mga eksena e babastusin sya o syota nya ng mga nag-iinumang
istambay.

Magkakagulo sa isang okasyon (kaarawan, kasal, binyag, burol).

Hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan, pero sisigaw ito
at
aaray pag ginagamot na ang mga sugat nya ng isang babae.

Smoker at mabisyo lagi ang kontrabida.

Lagi itong may mga uto-utong tauhan o "mga bata".

Ang kuta ng mga kalaban e sa warehouse o malaking bahay.

Lagi ding may eksena sa isang beer house.

May seksing leading lady at may love scene na pwedeng ikwento sa
Abante.

Marunong sa bakbakan ang babae, at kung isang lalake lang naman e
kayang-kaya nitong patumbahin.

Kung ma-co-corner ang bida, hindi ito papatayin, ikukulong lang.

Mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban nito habang nag-tutukan
ng
baril ... mahabang pag-uusap, tila baga mag-syotang nasa telepono.

May malalakas na pagpapasabog kahit na hindi naman kailangan.

Walang malalakas na pagpapasabog kahit na kailangan.

Mura lang ang baril at pwede itong itapon kung wala nang bala.

Makakapulot ang bida ng baril na may bala tuwing kinakailangan.

Marunong at asintado sa baril ang leading lady kahit na hindi pa
siya
nakakahawak nito sa buong buhay nya.

Kaya ng bida ang dalawampung tao sa bakbakan dahil hindi naman sila

sumusugod ng sabay-sabay, laging isa-isa, parang sayaw.

Hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na tatlompung tao ang
bumabaril sa kanya, pero lahat sila tinatamaan nya.

Tamaan man sya ng bala ay laging daplis lang ... hindi pwedeng sa
ulo
o sa puso.

Siyam (9) ang buhay ng bida.

Doble pa nito ang buhay ng leading lady.

Kung mamamatay man ang isa sa kanila e makakapagsalita pa ito ng
isang
page ng script bago malagutan ng hininga.

Huli darating ang maraming pulis ... at wala silang pakialam sa
bida,
kahit na involved ito sa riot!
Back to top Go down
 
Ano ba ang Pinoy Action Movie?
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Bullet Raja (2013) (Non Retail) DVDRip 576p x264 Ac3 [XMR Exclusive]

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
feuhighschool82 :: Knowledge is Power :: Politics, Current Events and Filipino Patriotism-
Jump to: